Media Industry Icon, Art Advocate, Leader at Mother

Hunyo 30, 1957 – Hulyo 31, 2021

Media Industry Icon, leader, art advocate, mother, independent women sa PR, advertising at digital marketing si VENUS REYES-NAVALTA o Mother Venus sa kaniyang mga katrabaho. Ipinanganak siya noong Hunyo 30, 1957 sa Baguio. Gitna sa siyam na magkakapatid. Dahil nga gitna sa siyam na magkakapatid si Venus, masasabing ipinanganak siyang tila may apat na mga boss at apat na subordinates. Bata pa nang magpakasal ang kaniyang mga magulang kaya’t hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad na parang kapatid lamang nila ang mga ito.

Nag-aaral pa lamang si Venus ay kakikitaan na siya ng angking talento. Nagtapos siya ng BA Broadcast Communication noong 1979 sa University of the Philippines. Sa kaniyang pagtatapos ay nakuha niya ang “Best in Thesis” sa pambansang patimpalak para sa mga estudyante dahil sa kaniyang mga documentary film tungkol sa cultural minorities.

Nagsilbi siyang Media Director ng Dentsu, Young, and Rubicam Singapore mula 1990 hanggang 1992. Labimpitong taon din siyang naging Executive Vice-President ng McCann Worldgroup Philippines, mula 1992 hanggang 2009. Noong 2006 ay naging presidente siya ng 4As. Mula naman 2010 hanggang 2014 ay naging Chairman siya ng Zenith Optimedia Philippines. Naglingkod siya bilang Chief Executive Officer ng IPG Mediabrands Philippines mula nang maitayo ito noong 2015.

Taong 2015, matapos na mag-retire sa ikalawang pagkakataon, sa edad na 57 ay itinayo naman ni Venus ang IPG Mediabrands Philippines. Sa kaniyang pamumuno bilang CEO ay nasungkit ng IPG Mediabrands ang AOY Media Agency of the Year noong 2017. Siya rin ang driving force ng MSAP Media Congress noong 2017 at umupong Overall Organizing Chairman at Marketing Director ng Ms. Universe Philippines pageant noong 2019. Naging columnist din siya ng OneMega.com.

Noong Hulyo 31, 2021, sa edad na 64 ay pumanaw dahil sa kanser si Venus Reyes-Navalta. Naulila niya ang kaniyang asawang si Egay Navalta, ang kanilang anak na si Carlo, ang kaniyang ina na naging role model niya, ang kaniyang mga kapatid, kapamilya, kaibigan at kasamahan sa trabaho.

“I will miss you, mom,” ayon sa Facebook post ni Carlo Navalta. “No more pain. I LOVE YOU!”

Kilala hindi lamang sa Pilipinas si Venus kundi maging sa iba’t ibang bansa dahil sa kaniyang expertise at malikhaing paraan ng pag-iisip. Sa mahigit na tatlong dekada ng kaniyang career, naging responsable siya at nakapagbigay ng karangalan, hindi lamang sa kaniyang kumpanya kundi maging sa buong industriya. Patunay nito ay ang mga natanggap niyang regional and international recognition mula sa award-giving bodies, gaya ng Spikes at Cannes. Taong 2017 nang gawaran si Nancy ng Glory Medal of Distinction ng University of the Philippines College of Mass Communication Alumni Association (UPCMCAA) bilang isa sa pioneering achievers ng naturang Pamantasan.

Si ‘Mother Venus,’ isang napakahusay at napakabuting uri ng pinuno. Sabihin mang pumanaw siya sa mundong ibabaw, patuloy naman siyang magiging inspirasyon, lalong-lalo na ng mga nakakakilala sa kaniya.

Categories: Obituaries

0 Comments

Leave a Reply

Avatar placeholder

Your email address will not be published. Required fields are marked *