Mang-aawit at Aktor sa Pelikula at Telebisyon

Hulyo 3, 1943 – Enero 23, 2022

Si Romanito Vasquez o mas kilala sa tawag na “Romano” ay isang aktor na sumikat bilang isa sa mga miyembro ng That’s Entertainment, ang dating youth-oriented show ni German Moreno sa GMA-7. Bukod sa pagiging aktor ng mga pelikula at telebisyon, siya rin ay isang singer-entertainer. Naging talent din siya ng batikang direktor na si Maryo J. Delos Reyes.

Bata pa siya ay pangarap na talaga niya ang mag-artista, hanggang sa sumubok siya ng stage acting, at tuluyang mapadpad sa telebisyon at pelikula. Naging bukas sa publiko ang personal na buhay ni Romano, maging ang akyat-baba na takbo ng kanyang career. Sa katunayan, naipalabas pa ang love story nila ng kaniyang asawa na si Alma sa programang Wagas ng GMA News TV.

Ilan sa kaniyang mga pelikula ay Noel Juico,16: Batang Kriminal (1991), First Time Like a Virgin! (1992), Dark Tide (1994), Epimaco Velasco: NBI (1994), Suicide Rangers (1996), Mariano Mison: NBI (1997), The Secret of Katrina Salazar (1997).

Kabilang din sa mga pelikula niya ang Alipin Ng Aliw (1998), Hiram (2003), Night Job (2005), Astig (2009), Mainit (2011), Sexventure (2011), at Pikit-Mata (2012). Bukod sa pagiging aktor sa mga pelikulang aksiyon, napasabak din si Romano Vasquez sa sexy na pelikula noon. Nakapag-record din siya ng album noong 2016, pinamagatan itong “Chicken Adobo” sa ilalim ng Bell Haus Entertainment.

Marami rin siyang teleserye na pinagganapan, at iba’t ibang live events na pinagtanghalan bilang mang-aawit. Ang events na ito ay sa loob at labas ng Pilipinas. Ilan lamang ito sa kanyang mga pinaglingkuran bilang kasapi ng Philippine entertainment industry.

Sinubok din siya ng panahon, napabalitang napariwara ang kanyang buhay dahil sa bisyo, pero siya’y muling bumangon at palarin sa kaniyang pinasok na negosyo.

Sa edad na 51, pumanaw ang aktor na si Romano Vasquez.

Ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz at negosyo ang nagbigay ng mensahe sa kaniya. Narito ang mabubuting salita mula kay Bb. Jocelyn Penafiel, “Hindi ka namin makakalimutan. My co-host mula noong offline at online. The most requested, the most energetic and the Pride of Team Dynamic!”

Ayon kay Allona Amor, dating sexy star, “Naging mabuti siyang kaibigan. Pag may show at kinuha namin siya as host sa mga event, hindi siya nagde-demand ng talent fee. Naiiyak ako, kasi kahit paano, may pinagsamahan kami.“

Website Visitors: 125796
Categories: Obituaries

0 Comments

Leave a Reply

Avatar placeholder

Your email address will not be published.

The maximum upload file size: 1 MB. You can upload: image, audio, video, document, spreadsheet, interactive, other. Links to YouTube, Facebook, Twitter and other services inserted in the comment text will be automatically embedded. Drop file here