Wardrobe Mistress

Abril 24, 1969 – Enero 1, 2022

Si Elenita Castillo, o mas kilala bilang “Ellen,” ay nagsimulang magtrabaho sa likod ng entablado ng Tanghalang Pilipino bilang isang Wardrobe Mistress noong 1993. At mula noon ay napabilang na siya sa maraming palabas, mapa-entablado man o events, local at international. Ilan sa Broadway Musical at International Theater Play sa loob at labas ng bansa na kaniyang pinaglingkuran ay ang Binondo The Musical (Full House Asia Studios Inc.), Phantom of the Opera Manila, at The Lion King (Concertus).

Kilala rin siya bilang “Neneng Kendeng” ng kaniyang mga kasamahan sa trabaho dahil na rin sa pagiging palakaibigan nito at pagiging masayahin. Si Elenita ay tubong Carsadang Bago, Imus, Cavite, at nagtapos ng kursong Business Administration sa Polytechnic University of the Philippines. Mayroon siyang dalawang anak.

Sa edad na 52 ay pumanaw si Elenita Castilo sa Cavite sa sakit na lung cancer.

Mananatili sa mga kaibigan, pamilya, at katrabaho ang mga alaala ni Elenita, maging ang mga naging ambag nito sa likod ng entablado.

Ayon sa kanyang kapatid na si Robert Castillo, ang hindi niya malilimutan na sinabi ni Elenita ay “hindi importante kung maliit lang ang ambag mo sa likod ng entablado o hindi man nakikita ng mga manonood ang ginagawa mo, ang importante ay nagawa mong maayos ang trabaho mo.”

Categories: Obituaries

0 Comments

Leave a Reply

Avatar placeholder

Your email address will not be published. Required fields are marked *