In-house designer at Reyna ng Souvenir Programs ng CCP
Enero 29, 1982 – Mayo 18, 2020
MARIA CHRISTINE V. VALLIDO (kilala rin bilang si Acryt, 1982-2020) ay designer at tinaguriang “Reyna ng Souvenir Programs” ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP). Kinagiliwan ng mga kasamahan sa trabaho si Acryt dahil sa dedikasyon niya at pagpapahalaga sa kanyang trabaho. Madalas na pinagpupuyatan niya ang pagdisenyo nito at metikulosong sinusuri kung angkop sa mga tekstong isinusulat ng kasamang si Nikki Garde-Torres.
Halos dalawang dekadang nagtrabaho si Vallido bilang designer sa ilalim ng Administrative Services Department ng CCP. Na-perpekto na niya ang mga souvenir programs para sa iba’t ibang pagtatanghal sa nasabing institusyon.
Ayon kay Bebang Siy ng Intertextual Division “Si Acryt ay napakasipag maghatid ng draft ng CCP Calendar of Events sa Intertextual Division Office. At kapag may kailangan kaming ipabago sa detalye ng aming events for the calendar, lagi niya kaming ina-accommodate.”
Marahil dahil challenge at mahirap gawin, ang Cinemalaya dropbox ay isa sa mga paboritong proyekto ni Vallido.
Dagdag pa ni Siy “Naalala ko rin a few years ago na siya ang gumawa ng mga kahon ng Cinemalaya na lalagyan ng mga boto ng audience. Siya mismo ang nag-abot ng gagamitin kong kahon sa cinema mall kung saan ako na-assign. Iningatan ko ito dahil alam kong mahirap iyon buuin. Kaya naalala ko siya maghapon during that time kasi binabantayan ko ang gawa niyang kahon.”
Makikita sa ngiti ni Vallido na enjoy siya sa kanyang trabaho. Kita rin ang pagsisikap at pagnanasang mapalawak ang kanyang kaalaman, pati na ang paglago ng kanyang pakikisalamuha sa mga kasamahan niyang empleyado.
“It is so unfortunate losing such a dedicated worker who has made valuable contributions to this Institution,” sabi ni Rodolfo G. Del Rosario, VP for Administration and Finance ng CCP. Dagdag naman ni Lei Ganaden “It was a joy to work in the presence of Ms. Acryt. I will never forget the warmth her smile brought to the office each and every day.”
Isang CCP retiree si Becca Jose mula sa Marketing Department ang nagpahayag ng paghanga kay Vallido dahil madali itong pakiusapan, makikita ang kanyang “sweet smile and willingness to edit whatever, and prepare materials so we would be ready for printing.”
Si Vallido ay ipinanganak noong 29 Enero 1982 kay Emiliano Vallido at Cecilia Flores sa Trese Martires, Cavite. Nagtapos siya ng kursong BS Major in Business Management sa San Sebastian College Recoletos de Cavite.
Sabi ni Paulo Tomas, isa sa mga opisyal ng CCP, “a short-lived but happy life is a life worth lived. As you passed thru our lives, you’ve touched us with your hyped laughs and those unending smiles. You have made it light and easy for everyone around you like no other. Let that smile continue to shine Cryt.”
0 Comments