Direktor, Cinematographer, Film Editor

Disyembre 18, 1996 – Seytembre 09, 2021

Si Victor Elijah Gador o Vic Gador ay isang direktor, cinematographer, videographer, at film editor.

Nagwagi siya sa maraming patimpalak para sa kaniyang mga maikling pelikula tulad ng Ngawa (2018) na unang nagwagi sa Star Magic’s Digital Short Film na Lights, Camera, Magic. Naging bahagi naman ang kaniyang maikling pelikula na Apo Dios (2019) sa 30th Gawad CCP Para sa Alternatibong Pelikula at Video at naging kalahok din ito sa Singkuwento International Film Festival Manila Philippines (SIFFMP) 2019. Bilang cinematographer ay nagwagi ang maikling pelikula niyang Ang Nawawalang Haligi (2019) ng Best Cinematography sa Indie-Un Film Festival (IUF) 2019. Ito rin ay naging kalahok sa Cinemalaya 2020 Indie Nation Shorts Category.

Bukod sa paggawa ng mga pelikula ay nagtrabaho rin siya sa mga advertising company para sa paggawa at pag-direct ng mga video material tulad ng mga music video na Questions, Repent, at Lazy Broke Bitches sa ilalim ng ?? ?. ???????, ito ay lumilikha ng iba-ibang brand content. Si Vic Gador ay naging bahagi rin ng AMPLFY bilang videographer at video editor ng Tier One Entertainment na isang grupo ng mga streamer at online content developer.

Kilala rin si Vic bilang mabuting kaibigan, kapamilya, at tagapayo sa mga batang direktor at sa mga katulad niyang nasa mundo ng pelikula.

Nang pumanaw si Vic noong Setyembre 9, 2021, nag-iwan ng mabubuting salita si Glenn Jhovy Fontanilla sa social media: Sa kaniya ako na-inspire mag-Vines. Dahil sa kaniya, mas pinagpursigihan ko pa lalo ang paggawa ng video sa Adu Vines. Sobrang bait niya. Kahit newbie pa lang kami sa pagba-vines ay tinanggap niya kami, tinulungan na mas makilala pa ‘yong page at video namin sa school. Tinuruan niya akong huwag basta susuko kung ‘yan ang hilig mo at makakapagpasaya sa iyo. Isa siya sa mga nag-angat sa amin para lalo pang dumami ang likes ng page namin. Thank you, Victor Gador, sa lahat. Sa pagbuo ng UAAP VINES sa pagbuo ng samahan, sa mga COLLAB natin with different universities. Salamat sa Coca-Cola project na ibinigay mo sa amin. Salamat sa pagturo ng techniques bilang director na, editor at camera man pa. Salamat sa contents, pagpapatuloy sa bahay ninyo, paghatid sa amin hanggang LRT noong pauwi kami, di mo kami pinabayaan, bro! Tinangap mo kami hindi lang bilang kaibigan, binuo mo kami bilang isang pamilya.

Narito ang tribute ni Miko Ramirez: Direk Victor Gador, you’d crash by our place late at night, sleep and work anywhere you want to. My parents always welcomed you with open arms. Every time they saw you at our doorstep, ngingiti ka lang sabay sambit ng “ay, hello good evening /good morning po.” I tend to fall asleep in our living room. I’d wake up late at night with a huge man at the other end of the sofa. Yes, indeed, waking up in that living room wouldn’t be the same without your presence.

Elijah was the one who helped anyone with anything. His eagerness amazes everyone around him. He mentored me for years. Victor introduced me to the “film world”… He’d finish his scripts and edits at home. On his rest breaks, he’d show me iconic masterpiece films to teach me what lens, rigs, lights, microphones, and types of acting were present in a motion picture. When we saw something that was significant to a film we have seen, we’d make inside jokes about it and never stop laughing. Direk Victor is the reason why I will always love art and film to their full extent.

To Direk Victor, you opened everyone’s eye to everything that there is in art, you are an inspiration to all of us, you made everyone in and out of the set to be better individuals. You made us better filmmakers… You’ll always be a part of the Ramirez Family. A soul like yours will never be forgotten.

Categories: Obituaries

1 Comment

Enrico Deza · July 24, 2022 at 9:08 pm

I am so sad because I love my son so much.

Leave a Reply

Avatar placeholder

Your email address will not be published. Required fields are marked *