Empleyado ng CCP HRMD, miyembro ng CCP Chorale

Abril 8, 1955 – Agosto 13, 2020

MARIA CLEOFE A. DOYDORA (kilala rin bilang si Cleofs, 1955-2020) ay empleyado ng Human Resources and Management Department ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) at naging alto ng CCP Chorale. Sa loob ng dalawampu’t limang taon, naglingkod si Cleofe sa institusyon at naging isa sa mga haligi ng HRMD.

Mahusay makitungo sa lahat ng kawani lalo na sa mga bagong empleyado at student interns si Cleofe. Siya’y may friendly personality at pala-ngiti kaya madalas siyang nilalapitan ng mga kapwa empleyado, mga bisita, o ibang taong nangangailangan ng tulong o impormasyon. Madalas ding tumutulong siya kahit hindi na ito sakop ng kanyang trabaho.

Ayon sa kanyang mga kasamahan, naging mas maayos ang paggawa nila ng trabaho dahil sa pagiging mahusay sa gawain ni Cleofe. Bukod dito, siya’y isang maalalahanin at mapagbigay na katrabaho, laging handang tumulong at nagdadala pa ng pasalubong sa mga kaopisina.

Mahal ni Cleofe ang musika at sining. Marunong siyang magbasa ng mga nota at nag-aral ng piano noong nasa elementarya. Naging highlight ng aktibidad ni Ms. Cleofe bilang kasapi ng CCP Chorale ang pagpunta sa spotlight, sa isa sa marami nilang concerts, bilang soloist kung saan siya ang nag-whistle sa obligato part ng love song na “L’important ces’t la rose” (Composed by Gilbert Bécaud, 1967, arranged by Magdangal de Leon). Naging matagumpay ang pagtatanghal na ito at ikinatuwa ni Cleofe at kanyang mga kasama sa choir.

Mayroon si Cleofe ng tinatawag na “lightness of spirit” dahil madalas itong marinig na umaawit o nagha-hum habang nagta-trabaho. Dahil dito ay nagiging magaan din ang paggawa at pagtapos ng mga tasks ng kanilang opisina.

Maliban sa trabaho sa opisina, aktibo rin si Cleofe sa iba pang gawain. “She actively participated in every activity in the office, be it in sports, dancing and singing, teambuilding and planning,” ayon kay Lilian C. Barco, Department Manager ng HRMD. “She would always be there to cheer for every milestone or accomplishment the members and the office have achieved.” dagdag pa ni Barco.

Kilala bilang mapagbigay na tao si Cleofe. Kahit mga retiradong empleyado na bumibisita ay binibigyan niya ng pasalubong. Pati mga kawani ng karatig opisina ay binibigyan niya. Madalas din siyang nagpapaluwal ng pinansyal na tulong sa mga lumalapit sa kanya.

Ang pagiging mapagbigay ay dala rin niya sa pamilya. “She likes to pay for our meals (sweet deal) but I keep telling her, dollar is stronger than peso,” ayon kay Eva Domantay, kapatid ni Ms. Cleofe. “She makes sure our table is plenty, and always say heartwarmingly, ‘Ang saya ko andito ka.’ “ salaysay pa ni Eva.

Si Ms. Cleofe ay ipinanganak noong 8 Abril 1955 sa Maynila kina Roman G. Doydora Sr. at Ma. Lourdes O. Amora. Nagtapos siya ng kursong AB Psychology mula sa Adamson University. Hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay, kasamang nagbantay ang aso nyang si Skylar, na sa kasalukuyan ay nasa pag-aalaga ng pamangkin sa Bulacan.

Musika at sining ang minahal ni Doydora simula ng pagkabata. Musika at sining rin ang naging gabay at sandigan niya sa buhay kahit pa siya ay full-time na nagtatrabaho sa isang administratibong posisyon.

Categories: Obituaries

1 Comment

Eva Domantay · April 10, 2021 at 12:30 am

Thank you for honoring and remembering my sister
Ma. Cleofe A. Doydora. Her legacy will live. She will never be forgotten by those who loved her and have known her. It is an honor and a privilege to be her sister. Rest In Peace my Ate Cleofe. Our love is forever ??

Leave a Reply

Avatar placeholder

Your email address will not be published. Required fields are marked *